Thursday, December 26, 2002

Haaay! isang mahabang buntong-hininga para sa inyong lahat... natapos din ang Christmas day dito.. we had a very White Christmas kasi nag-snow storm on Christmas Day.. we went out to play with the snow and take some pictures with my cousins and their kids.... on Christmas eve, we had dinner after we went to attend the candlelight service sa church with my cousins then nagbukas ako ng gifts ko mga 1230am na kasi i tried to rest for some hours dahil super na ang pagod ko doing two jobs for almost three weeks.. imagine working 13 hours a day, excluding breaktimes! whew! sana lang yumaman agad ako at ng matapos na ang mga paghihirap ko...hehehe =) well, hanggang ngayon di pa ako nakkatawag sa amin, kc naman itong fon card na bigay ng pinsan ko palpak yata at di ako makakontak..hmm.. sigurado nagagalit na ang nanay at sister ko... i will just explain to them.. at lalong galit ang mga pamangkin ko kc ala pa yung gifts ko sa kanila, kelangan ko sila matawagan to tell them na sa new year's eve ko ipapabigay yung mga gifts nila para me pera sila for the whole year, hehehe ulit =) Bukas, pasok na naman ako.. kanina nagshopping na naman kami at ginamit ko na naman ang ATM card ko to buy personal things for my own use.. my gifts to myself for all my hardwork ;) comforter, bath products.. bukas pupunta naman ako para bumili ng winter blouses ko kasi niregaluhan ako ng pinsan ko ng shopping card worth 50 dollars... makakabili na din yun ng mga tatlong knitted or wool blouse.. hmm.. ang bait talaga ng pinsan ko kasi daw 1st Christmas ko dito so dapat regaluhan nila ako.. that means next Christmas ala na ako regalo... huwaaaaaaaaaaaa!!!! dami ko ding ntanggap na Christmas cards.. at nung birthday ko Cel, Gina,and Josie called me long distance.. that alone made my first birthday in Canada worth remembering... well, sa mga inignore at patuloy akong iiignore for the rest of my life, it's okay... everything's gonna be alright, I'm gonna be fine...

We watched Bridget Jones's Diary kanina (mga 5 times ko na napanood) pero feel ko siya kanina kasi nakikita ko sarili ko sa kanya kahit paano... sweet and vulnerable but she realized and knew what she wanted in due time... feel ko talaga yung mga scenes na hurt siya at yung sweet moments nila ni Mark, not those scenes with Hugh Grant, kakainis eh! Then after that, we watched Ice Age naman with my niece and nephews.. grabeh! pati kaming mga matatanda naaliw sa movie.. bumili din ako ng Special DVD Release ng Spiderman na iuuwi ko sa mga pamangkin ko pag-uwi ko hopefully next year at mga kids songs CDs na ibibigay ko kay Penpen para matuto sya ng English.. mag-iipon naman ako ng pambili ko ng PS2 for my nephews na magbi-birthday next year at iyon ang gustong regalo.. tatlo sila at gusto eh tig-iisa.. kaya kelangan magtrabaho ako ng husto kasi me kasama pang CDs dapat yun..whew! mga pamangkin ko talaga.. they know how to melt their Auntie's heart... wish I have my own kids soon, hahaha! Alam ko na nga anong ipapangalan ko sa kanila eh, sigurado isa sa kanila kapangalan ng nanay ko.... the Most beautiful and strongest woman in my whole wide world!!!